Naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte tungkol sa kanyang warrant of arrest para sa kasong death threats na inilabas ni Judge Maria Angelica P. De Ramos ng QC RTC Branch 98:
"I confirm that I was given notice of a warrant of arrest dated September 4, 2026 issued by Judge Maria Angelica De Ramos of Branch 98, Quezon City and served by PNP Col Christine Tabdi in the Office of the Vice President. My lawyers Attys Paul Lim and Clifford Chua will attend to this matter immediately.
Thank you."
Agad namang nag-deploy ng pulisya upang i-secure ang RTC Branch 98 para sa pagdating ng Ikalawang Pangulo. Inaasahan din siyang magpiyansa, ngunit walang Bise Pangulo na dumating.
Dumating din ang NBI sa branch upang subukang mag-request ng kopya ng warrant of arrest ni Vice President Sara Duterte, ngunit hindi ito naproseso dahil sarado na ang tanggapan. Sa isang panayam kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, sinabi niyang nakahanda ang NBI na ipatupad ang arrest warrant laban kay VP Sara, at idinagdag na nasa DOJ na kung ano ang susunod na hakbang.
"We have no option but to enforce the warrant," giit ni Atty. Melvin Matibag.
Gayunpaman, nagkomento rin ang Palasyo ukol sa paglabas ng warrant laban kay VP Sara Duterte. Ayon kay USec. Claire Castro, ginagalang ng Palasyo ang desisyon ng korte.
"Ginagalang ng Palasyo ang anumang desisyon o kautusan ng korte," pahayag nito.
Tinanong din si USec. Claire Castro sa posibilidad na pagbintangan ang Malacañang na nasa likod ng paglabas ng arrest warrant. Ngunit ayon sa kanya, mayroong separation of powers kaya hindi manghihimasok si Pangulong Marcos Jr. sa anumang magiging desisyon ng hukuman.
"Hindi po nagdidikta ang Palasyo o anumang administrasyon sa anumang gagawin ng mga korte o pagdedesisyon ng korte," dagdag ni USec. Claire Castro.

sara is future president
ReplyDelete