Trust is Earned': DILG Sec. Remulla, Rep. De Lima, at PNP, Sumagot sa mga Pahayag ni VP Sara Duterte

 


​'TRUST IS EARNED'

​Nagbigay ng komento si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kaugnay sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte.

​Ayon kay Remulla, tungkulin niyang protektahan ang Bise Presidente at ang buong mamayang Pilipino. Idinagdag din niya na walang naitalang Extrajudicial Killings (EJK) simula noong 2022.

​Nagmula ang kanyang pahayag matapos pumunta si Vice President Duterte sa Quezon City RTC Branch 98 upang magpiyansa para sa kasong grave threats laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

​Dinumog ng media at ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang RTC Branch 98. Sa isang panayam doon, ipinahayag ng Bise Presidente na hindi siya ligtas at wala siyang tiwala sa korte at sa kepulisan.

​"I do not feel safe. Wala akong tiwala sa korte. Wala akong tiwala sa mga pulis," giit ni VP Duterte.  

​Kasama niya sa tanggapan ng RTC Branch 98 si Atty. Michael Poa, na naglilingkod bilang isa sa kanyang mga legal counsel.

​Samantala, nagkomento rin si ML Partylist Representative Leila de Lima hinggil sa pahayag ni VP Duterte na nakaramdam ito ng takot para sa seguridad ng kanyang pamilya at mga anak dahil sa mga banta mula noong 2023.


Binigyang-diin ni Rep. de Lima na hindi biktima ang Bise Presidente at dapat itong managot sa sarili nitong mga banta.

​"Hindi ka biktima. May pananagutan ka," pahayag ni De Lima.

​Unang inihayag ng PNP na wala silang naitala o na-verify na banta laban sa pamilya Duterte. Gayunpaman, bukas ang pambansang pulisya na mag-imbestiga sakaling maghain ang kampo ng Bise Presidente ng mga opisyal na ulat at dokumento hinggil sa sinasabing pagbabanta.

Post a Comment

Previous Post Next Post