Zubiri: Impeachment Threshold, Posibleng Siliping Muli Dahil sa mga Senador na Nakakulong at Nagtatago


Punto ni Zubiri: 16-Boto na Impeachment Threshold, Gustong Baguhin ng Ilan Habang May mga Kasamahang At Large

Ibinunyag ni Senador Migz Zubiri na may ilang mambabatas na nagnais na muling silipin at ibaba ang kasalukuyang impeachment threshold matapos madamay sa mga isyu ang ilan nilang kasamahan.

​Ayon kay Zubiri, nangyari ang desisyon o ruling dito ni Presiding Officer Chiz Escodero noong panahong wala pang mga mambabatas na nakakulong o nagtatago sa batas.

"Ngayon kasi, may mga nasa kulungan, may isang pugante at large," ayon kay Zubiri.

​Matatandaang nauna nang ibinaba o itinakda ni Escodero na kailangan ang 16 na boto para sa proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Subalit ayon kay Zubiri, nais itong baguhin ng ilang senador dahil magkakaiba na ang sitwasyon ngayon kumpara noong nagsimula ang usapin, kung saan ang ilang kabilang sa mga boboto ay kasalukuyang nakakulong o nagtatago.

Post a Comment

Previous Post Next Post