Nagpaabot ng taos-pusong pagpupugay ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots kay Peter June "PJ" Simon, na tinawag nilang isa sa pinakamagandang halimbawa ng isang professional basketball player.
Ayon sa pahayag ng koponan, "Nag-iisa lang ang isang Peter June Simon." Pinuri nila ang kanyang tahimik na kumpiyansa, kababaang-loob, at ang pagsuot niya ng #8 nang may pagmamalaking ramdam ng lahat.
Sinabi rin ng Hotshots na kinatawan ni Simon ang prangkisa sa pinakamahusay na paraan, kaya mahal siya hindi lamang ng mga tagahanga ng Hotshots kundi ng bawat Pilipinong tagahanga ng basketball.
Aalalahanin umano nila ang walong kampeonato at ang Grand Slam, ang signature one-hander ni Simon mula midrange, at ang mga clutch shot at "heat check" ng "The Scoring Apostle."
"Most of all, we'll miss the person we got to share those moments with," ayon sa pahayag. Nagpaabot din ang koponan ng pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Simon. Nagtapos ito sa mensaheng, "Maraming salamat sa lahat, PJ."
Source/Photo Credit: Magnolia Chicken Timplados Hotshots (Facebook)
