Bumisita si Vice President Sara Duterte sa memorial para sa mga biktima ng 2016 Roxas Night Market bombing sa Davao City nitong Biyernes, Oktubre 30, at nag-alay ng panalangin para sa mga yumao habang papalapit ang All Saints' Day at All Souls' Day.
(Litrato mula sa Facebook page ni Inday Sara Duterte)
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Duterte na binisita niya ang memorial ng mga kababayang nasawi sa pambobomba sa Roxas Night Market noong 2016. Sa banal na paggunitang ito, nag-alay sila ng panalangin para sa mga kaluluwa ng mga biktima. Umaasa siyang matatagpuan nila ang walang hanggang kapayapaan sa piling ng Maykapal.
Nanawagan din siya ng panalangin para sa mga Pilipinong patuloy na nakararanas ng hirap at kahirapan.
"We pray for the intercession of all the saints as we lift our country in prayer, especially for our fellow Filipinos who continue to endure hardship and poverty. May God grant them hope and strength to overcome the challenges they face," pahayag ni Duterte.
Inalala rin ni Duterte ang mga yumaong mahal sa buhay, at tinapos ang mensahe sa panalangin: "Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May they rest in peace. Amen."
Source: Facebook page ni Inday Sara Duterte
